Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) sa isang pahayag na kanilang itutuloy ang kasong qualified human trafficking laban kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at iba pa sang-ayon sa batas na nasa ilalim ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Sinabi ni DOJ Undersecretary Nicholas Felix Ty na ang mga kaso na isinampa ng PNP-CIDG at PAOCC, ay kanilang ihahain sa susunod na linggo. Ang kaso ay tumutukoy sa umano’y pagkakasangkot ni Guo sa pag-organisa ng mga iligal na aktibidad na may kaugnayan sa human trafficking.
Samantala, nakuha ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pag-apruba ng Korte Suprema para ilipat ang mga kasong may kaugnayan sa POGO mula Capas, Tarlac patungong National Capital Region.
Ipinunto ni Remulla ang pangangailangang masigurong patas ang paglilitis at malaya mula sa lokal na impluwensya. Kaya naman sang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema ay ililipat na ang mga kaso kaugnay nito sa Pasig City RTC. | ulat ni EJ Lazaro