Ilulunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang kauna-unahang Nationwide First Aid Olympics.
Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng World First Aid Day bukas.
Ang tema ng programa ay “First Aid and Sports,” na layong bigyang diin ang kahalagahan ng first aid sa mundo ng palakasan.
Ayon sa PRC, magkakaroon ng tatlong antas ang kompetisyon: chapter, regional, at national, kung saan susubukin ang kaalaman at kasanayan sa first aid ng mga kalahok.
Inaasahan naman ang pagsali ng lahat ng PRC Chapters sa buong bansa.
Magsisimula ang recruitment bukas na tatagal hanggang katapusan ng Setyembre.
Ang First Aid Olympics ay bahagi ng Vision 2030 ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Movement,na naglalayong isama ang first aid education sa lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa kalusugan at pangangalaga. | ulat ni Diane Lear