Klase sa Malabon, suspendido pa rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling walang pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Malabon ngayong Biyernes, September 6, 2024.

Sa abiso ng LGU, ito ay dahil sa patuloy na pag-iral ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Yagi (international name) o dating bagyong Enteng at hightide na aabot sa 1.50m sa ganap na ika-12:33pm.

Kasunod nito, patuloy na pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat at manatiling nakaantabay sa mga anunsyo ng pamahalaan.

Maliban naman sa Malabon, may pasok na ngayong araw sa Quezon City, at maging sa Caloocan, Navotas, at Valenzuela. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us