Hindi na dadalhin sa Pasig Regional Trial Court (RTC) si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy ngayong hapon.
Ito ay matapos kumpirmahin ni PNP Spokesperson PCol Jean Fajardo na naibigay na sa mga issuing court ang warrant dahilan para hindi na kailangan pa ng pisikal na presensya nina Quiboloy at apat pang co-accused nito.
Dito sa Pasig RTC, inantabayanan ng media ang pagdating ni Quiboloy pero hindi ito dumating dito ngayong hapon.
Ayon kay Fajardo, naibalik sa Branch 106 NG QC RTC ang warrant kina Quiboloy, Jackielyn Roy, Cresente Canada, Ingrid Canada, at Sylvia Cemañes kaninang 11:44 a.m.
Habang 12:47 p.m. na naisauli ang warrant kina Quiboloy, Riy, Cresente at Ingrid Canada, at Cemañes
Matatandaang nag-isyu ang Pasig RTC Branch 159 ng arrest warrant laban sa kanila dahil sa kasong qualified human trafficking na non-bailable.| ulat ni Diane Lear