Kooperasyong militar ng Pilipinas, Australia, New Zealand, at Korea, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinulong ni Philippine Army Chief Lieutenant General Roy Galido ang pinaigting na kooperasyong militar sa pagitan ng Philippine Army at mga Army ng Australia, New Zealand, at South Korea.

Ito’y sa pagdalo ni Lt. Gen. Galido sa Chief of Army Symposium sa Melbourne Convention and Exhibition Centre, sa Melbourne, Australia noong September 10.

Dito’y tinalakay ni Lt. Gen. Galido kay Australian Army Chief Lt. Gen. Simon Stuart ang 15 nakaplanong programang pangkooperasyon at sabayang pagsasanay ng dalawang hukbo.

Pinag-usapan naman ni Lt. Gen. Galido at New Zealand Army Chief Maj. Gen. Rose King, ang pinaigting na kooperayon ng dalawang hukbo sa multinational disaster response exercises na pinangungunahan ng NZ Army.

Habang sumentro naman ang diskusyon ni Lt. Gen. Galido at Republic of Korea Army Chief of Policy, Maj. Gen. Heung Jun Kim Kye-Hwan sa potensyal na “engagement,” kabilang ang Strategic and Security Dialogues, Defense Exhibitions, at Subject Matter Expert Exchanges. | ulat ni Leo Sarne

📸: Philippine Army

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us