Muling pinaalalahanan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na huwag basta maniwala sa mga nababasang impormasyon online.
Kasunod ito ng kumalat na panibagong fake news sa social media na namamahagi umano ng ayuda ang DSWD na ₱3,500 sa mga magulang na may anak na menor de edad at kailangan lamang i-click ang isang link para makapagrehistro.
Paglilinaw ng DSWD, walang katotohanan ito at ito ay posibleng isa na namang scam.
Wala rin aniya itong ganitong klase ng programa.
Muli nitong hinimok ang publiko na kilatisin at beripikahin muna ang mga nababasa o napapanood sa social media at huwag agad maniwala sa mga impormasyong hindi nagmumula sa mga reliable na source. | ulat ni Merry Ann Bastasa