La Mesa Dam sa QC, umaapaw na; Magat Dam sa Isabela, posible ring magpakawala ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan, lumagpas na naman sa spilling level ang La Mesa Dam sa Quezon City.

Batay sa abiso ng PAGASA, bandang 1:20 AM ay umabot ng 80.15 meters ang water level sa La Mesa Dam, hudyat para umapaw na ang tubig rito.

Dahil dito, inaabisuhan ang mga naninirahan sa mababang lugar sa bahagi ng Tullahan River, Quezon City (Barangay Fairview, Forest Hills Subdivision, Sta Quiteria, at San Bartolome), habang sa Valenzuela City ay ang Barangay Ligon, Barangay North Expressway at La Huerta Subdivision), at Malabon City na mag-ingat sa posibilidad ng pagbaha.

Samantala, posible ring magpakawala ng tubig mamayang hapon ang Magat Dam sa Isabela.

Sa inilabas na Dam Discharge Warning ng NIA-MARIIS, nakasaad na posibleng buksan ang isang gate ng Magat Dam, kung maabot ang water elevation na 186 meters.

Nakaiskedyul ang pagbubukas ng gate bandang alas-2 ng hapon na sisimulan sa 150 cubic meter per second (150cms), at maaaring itaas pa depende sa aktwal na daming pumapasok na tubig sa reservoir.

Paliwanag naman ng NIA-MARIIS, ang pagbubukas na ito ay para mapanatiling nasa ligtas na lebel ng tubig ang Magat Dam habang pinaghahandaan ang posibleng pagbuhos ng ulan sa sususnod pang mga araw, batay sa forecast ng PAGASA.

Inaabisuhan ang lahat na manatiling alerto at gawin ang nararapat sa ganitong mga sitwasyon.

Nakikipagtulungan naman na aniya ang NIA sa Provincial Government of Isabela, Office of Civil Defense Region 02, Isabela at Cagayan PRRMDC para sa pagpapakalat ng impormasyong ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us