Inanyayahan ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang mga residente nito na makibahagi sa libreng technical vocational training nito.
Ayon sa LGU, ito ay bahagi ng tapat at progresibong serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Ang nasabing tech technical vocational ay handog ng Las Piñas City Manpower Training Center at magsisimula sa darating na Oct. 1.
Ilan sa mga kursong inooffer ng nasabing programa ang food and beverage service, automotive servicing, bread and pastry production, electrical education and maintenance at iba pa.
Para sa nagnanais makibahagi sa nasabing libreng nga kurso ay maaring bumisita sa social media page ng Las Piñas LGU para sa karagdagang detalye.
Ang naturang proyekto naman ay handog para sa mga Las Piñero nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar. | ulat ni Lorenz Tanjoco