Para kay Senador Sherwin Gatchalian, nakakahiya para sa mga law enforcement agencies ng Pilipinas na ang mga awtoridad pa ng Indonesia ang nakahuli kay dating Mayor Alice Guo.
Pinunto ni Gatchalian na matapos ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng paghuli kay Guo ay agad na nakita ng Indonesian authorities si Shiela Guo at Cassandra Ong.
At wala pang dalawang linggo ang nakakalipas ay nahuli na rin nila si Alice Guo.
Samantala, aniyang dito sa Pilipinas, higit dalawang buwang pinaghahanap ang dating alkalde at nakalabas pa ng ating bansa.
Matatandaang huling dumalo ng pagdinig ng Senado si dating Mayor Alice noong May 22.
Kaugnay nito, hindi rin isinasantabi ni Gatchalian ang posibilidad na maaaring may kasabwat sina Guo sa law enforcement agencies na maaaring nagbigay ng tip sa kanila.| ulat ni Nimfa Asuncion