Mahigpit na binabantayan ng Marikina LGU ang antas ng tubig sa Marikina River ngayong umaga.
Ito’y kasunod na rin ng magdamag na pag-ulang dala ng hanging hbagat na pinaigting pa ng bagyong Enteng.
Batay sa 5am update ng Marikina City Rescue 161, nasa 13.4 meters ang lebel ng tubig sa ilog
Gayunman, posibleng magbago pa ang sitwasyon dahil sa pagbaba ng tubig mula sa kabundukan ng Rizal
Kaya’t pinaghahanda ang mga residente ng Marikina sa posibleng paglikas sa sandaling tumaas pa ang lebel ng tubig sa ilog. | ulat ni Jaymark Dagala