Tiniyak ng Malabon City Local Government na magpapatuloy ang serbisyong libreng sakay sa lungsod bukas sa ikalawang araw ng jeepney transport strike.
Sa abiso ng LGU, titiyakin nito na may maayos na alternatibong transportasyon ang publiko at magpapatuloy ang kanilang gawain sa kabila ng transport strike.
Mag-iikot sa mga pangunahing ruta ng jeepney ang libreng sakay vehicles para tiyaking walang stranded na pasahero sa lugar.
Mahigpit namang imomonitor ng Public Safety and Traffic Management Office ang bawat kalsada.
Sa unang araw ng transport strike ng PISTON at MANIBELA, hindi gaano naramdaman ito sa lungsod at marami pa rin ang bumibiyaheng sasakyan. | ulat ni Rey Ferrer