Libreng sakay sa mga maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada sa Pasig City, tiniyak ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling naka-standby ang mga sasakyan ng Pasig City Local Government Unit para magkaloob ng “Libreng Sakay” sa mga pasaherong maaapektuhan ng ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw.

Ayon sa Pasig LGU, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon lalo na sa mga lugar na pinagdarausan ng mga programa ng mga naturang transport group.

Paliwanag nila, ide-deploy lamang ang mga sasakyang magbibigay ng libreng sakay sa sandaling hindi na kayanin ng kasalukuyang mga bumibiyaheng sasakyan ang dagsa ng mga pasahero.

Ayaw naman kasi anilang agawan ng pasahero ang mga pumapasadang jeepney driver para magkaroon pa rin sila ng kita para sa araw na ito.

Nabatid na dalawang lugar sa Pasig-Palengke isinagawa ang programa ng mga nabanggit na transport group na tutol sa programang PUV Modernization ng pamahalaan.

Hanggang sa mga sandaling ito, nananatiling normal ang sitwasyon ng mga sasakyan sa Pasig City at kung may pag-iipon naman ng mga pasahero ay dahil sa rush hour. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us