Listahan ng mga nagkanlong kay Pastor Apollo Quiboloy para makapagtago, isinasapinal na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa mahigit 10 indibiduwal ang mga tumulong kay Pastor Apollo Quiboloy upang makapagtago sa mga alagad ng batas mula sa pag-aresto rito.

Iyan ang ibinunyag ni Police Regional Office 11 Director, PBGen. Nicolas Torre III kasunod ng patong-patong na kasong kanilang isasampa laban sa mga ito.

Ayon kay Torre, kabilang sa mga kanilang ihahaing kaso ay ang inciting to sedition at conspiracy to commit inciting to sedition laban sa mga anito’y “kilalang” indibiduwal.

Kasalukuyang kasama si Torre sa pagdinig ng Kamara para sa budget ng Philippine National Police (PNP) gayundin naman sa pagtatanong ng ilang mambabatas kaugnay ng kanilang naging operasyon sa KOJC compound.

Una nang ipinag-utos ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) gayundin sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang pagbuo ng isang Special Composite Team para magkasa ng matibay na kaso laban sa mga nagkanlong kay Quiboloy. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us