Livestock evacuation center, binuksan sa Negros kasunod ng banta ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtalaga na ang Department of Agriculture (DA) ng inisyal na Livestock Rescue Evacuation Centers sa Negros kasunod ng banta ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.

Ito ay para agad na makatugon sa posibleng epekto sa agri at fishery sector ng pag-alburoto ng bulkan.

Ayon sa DA, mayroon nang dalawang animal evacuation centers ang binuksan sa Negros Oriental partikular sa Barangays Panubigan at Linothangan.

Kaugnay nito, pinatututukan na ng DA sa mga regional office nito sa Western at Central Visayas ang mga posibleng maapektuhang LGU.

Pinakilos na rin ang Agricultural Program Coordinating Offices (APCOs) para abisuhan ang mga magsasaka at mangingisda, pati na rin ang koordinasyon sa LGUs partikular sa agricultural, veterinary at P/C/M DRRMC offices.

At pinaa-update na rin ang imbentaryo ng mga alagang hayop para sa posibleng animal relocation. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us