LPA sa Batanes, isang nang tropical depression na tinawag na bagyong Julian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isa nang Tropical Depression at tinawag na bagyong Julian ang binabantayang LPA ng PAGASA sa may bahagi ng Batanes.

Sa 5am Weather Bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 525km silangan ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55km/h malapit sa gitna at pagbugsong 70km/h.

Wala pa namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal ngayon dulot ng bagyo ngunit posibleng mailagay sa Signal no. 1 ang Cagayan Valley sa araw na ito.

Inaasahan tatahakin ng bagyong Julian ang isang paikot na ruta sa mga katubigan ng Batanes at Cagayan sa susunod na limang araw.

May posibilidad ding umabot ito sa kategoryang tropical storm ngayong gabi o bukas ng umaga at maging severe tropical storm sa Linggo at typhoon naman sa Martes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us