LRT-2, nagtigil operasyon matapos magka-aberya ang isang tren nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pansamantalang tigil-operasyon ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 ngayong umaga.

Batay sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ito’y dahil sa nangyaring aberya sa isang tren nito sa bahagi ng J. Ruiz Station.

Ayon kay LRTA Administrator, Atty. Hernando Cabrera, pasado alas-7 ng umaga nang mangyari ang insidente at kasalukuyan nang inaalis ang naturang tren.

Inaasahang babalik ang operasyon ng LRT Line 2 matapos ang lima hanggang 10 minuto.

Sa hiwalay na abiso naman pasado alas-8 ng umaga, sinabi ng LRTA na nagpatupad sila ng provisional na biyahe mula Antipolo Station patungong Araneta Center – Cubao Station at pabalik.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us