Nananatiling handa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makipagdayalogo sa grupong PISTON at MANIBELA kaugnay ng kanilang hinaing sa Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ito ang pahayag ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III matapos ang dalawang araw na transport strike ng grupo.
Ayon kay Chairperson Guadiz, bukas itong makipag-usap sa dalawang grupo para hindi na palaging humahantong sa strike na nagdudulot ng abala sa mga commuter.
Nanindigan din ito na tuloy ang PTMP lalo at mas marami na ang nakiliisa sa programa.
Nananatili rin aniya ang buong suporta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa modernization program sa kabila ng panawagan ng ilan na suspendihin ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa