LTFRB, nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay sa TNVS driver na nang-holdap at nanghalay sa Vietnamese national


Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) driver na nang-holdap at nanggahasa ng babaeng Vietnamese habang lulan ng ride-hailing service sa Parañaque City, noong September 5.

Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB ni Chairperson Teofilo Guadiz III na gumawa na sila ng police report, at sumulat na rin ang ahensya sa TNVS company upang pagpaliwanagin kung ano ang nangyari.

Ayon kay Guadiz, binigyan nila ang TNVS company ng limang araw upang tumugon at magpaliwanag.

Dagdag pa ng opisyal na maaari ring patawan ng multa ang kumpanya.

Binigyan diin din ni Guadiz, na maaaring masuspinde ng 30 araw ang kanilang app para sa unang offense kung mapatutunayan mayroong itong kapabayaan.

Nagpaalala naman ang LTFRB sa publiko, na mag-ingat sa paggamit ng ride-hailing app at laging beripikahin ang identity ng driver at i-share ang kanilang trip details sa kanilang pinagkakatiwalaang tao. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us