Bukas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para tumanggap ng aplikasyon para sa special permit ng mga pampasaherong bus na bibiyahe sa panahon ng Undas.
Ayon sa LTFRB, simula noong September 23 ay tumatanggap na sila ng aplikasyon para dito at tatagal hanggang October 7 ngayong taon.
Magiging epektibo ang permit simula October 30 hanggang November 3, 2024.
Paalala pa ng ahensya na 30% lamang ng kabuuang authorized units bawat operator sa bawat ruta ang pahihintulutan.
Ang mga unit na inaplay ay dapat hindi higit sa 14 taong gulang mula sa petsa ng pagkagawa nito.
Ang pagbibigay ng special permit ng LTFRB ay bahagi ng paghahanda sa inaasahang dagsa ng pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa Undas. | ulat ni Rey Ferrer
Photo courtesy of PITX