May kabuuang 56 na plantilla positions ang napunan na ng Land Transportation Office (LTO) sa mga tanggapan nito sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ito’y matapos manumpa ang mga bagong-promote at bagong-hire na empleyado sa rehiyon ng CALABARZON.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, bahagi ito ng kanyang pangako na tutugunan ang kontraktwalisasyon sa ahensya.
Binigyang-diin ni Mendoza ang pangangailangang palakasin ang moral ng mga empleyado sa pamamagitan ng seguridad sa trabaho.
Bilang kapalit, hinimok ng LTO Chief ang mga bagong-hire at bagong-promote na empleyado na ipagpatuloy ang paglilingkod sa gobyerno ng may integridad at kasipagan. | ulat ni Rey Ferrer