Maagang pag-anunsiyo ng suspensyon ng pasok, isa sa mga tututukan ni Sec. Chavez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumawa ng digital hotline ang Presidential Communications Office (PCO) na mayroong focal persons at aatasang gumising ng alas-3 ng madaling araw, upang magbaba ng anunsiyo kung may suspensyon sa trabaho at klase tuwing mayroong sama ng panahon sa bansa.

“Merong focal person from the Office of the Executive Secretary, focal persons from PCO talagang dapat gumising ang 3 o’clock ng umaga para yung decisions dapat gawin.” -Secretary Chavez

Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, ang target nila ay makapag-anunsiyo ng suspensyon ng pasok o trabaho bago mag alas-4 ng madaling araw. 

“We will take the risk kapag nagsabi kami before 4 o’clock meron ng suspension ng klase, ng gobyerno or private kung sakasakaling may gano’n man. We will take the risk kahit pag 9-11 o’clock ng umaga ay umaraw. We will take the risk.” -Secretary Chavez

Gabi pa lamang aniya kung masama na talaga ang panahon, kung talagang may weather system ay sisikapin nang mag-anunsiyo ng PCO.

Ang ilalabas aniyang anunsiyo ng PCO ay iikot sa kung mayroong suspensyon ng pasok o ipauubaya na lamang sa mga LGU ang pagdi-desisyon dito.

Magtutulungan ang Office of the Executive Secretary, Office of Civil Defense, PMS, PAG -ASA, Office of the Presidential Communications Office, maging ang DILG at MMDA, para maisakatuparan ang maagang anunsiyo.

“Bago mag-gabi kapag alam namin may problema tayo sa weather system at ang tingin natin sa Metro Manila and its environment, gabi pa lang mag-a-announce na ang PCO. Ang i-announce ang PCO, either we limit to local government units to decide or we will decide. So at least dalawa yan.” -Sec Chavez. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us