Binigyang halaga ngayon ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co ang on-time na pag-apruba sa ₱6.352 trillion General Appropriations Bill para tugunan ang mga mga pangangailangan ng bawat Pilipino at pagpapaunlad sa ekonomiya.
Sa kaniyang sponsorship speech sa House Bill 10800, sinabi ni Co na pinopondohan ng pambansang pondo ang pampublikong mga programa at proyekto at titiyak sa epektibong paghahatid ng mahahalagang serbisyo sa mga Pilipino.
Kabilang na nga rito ang sektor ng edukasyon na may kabuuang ₱977.6 billion na alokasyon, imprasktraktura na may ₱900 billion, kalusugan na may ₱297.6 billion para sa health services at human and social development programs na may ₱2.120 trillion.
Kasama na rin aniya dito ang legacy project on specialty hospitals, food security at housing.
Aminado naman si Co na nananatiling hamon pa rin ang pagtugon sa kahirapan.
Ito aniya sa kabila ng magandang takbo ng ekonomiya at naitalang pagbaba sa poverty incidence.
Kaya naman ang napapanahong pag-pasa sa pambansang pondo ay importante para maipagpatuloy pa ang mga nakamit na pagbabago.
“Mahalagang masiguro na ang paglago ng ekonomiya ay magdudulot ng kongkreto at positibong transpormasyon sa buhay ng lahat ng Pilipino. Ang hamon sa atin ngayon ay patibayin ang mga nakamit na nating pagbabago, patuloy na abutin ang mga mahihirap, at bumuo ng isang lipunan na ang lahat ay kasama sa pag-unlad. As we deliberate on this proposed budget, I appeal to every member of this esteemed body to prioritize the timely approval of the General Appropriations Bill for FY 2025. The prompt passage of this bill is critical to ensuring that government programs are implemented efficiently, eradicating poverty and benefiting every Filipino, especially those in most need.” Diin ni Co
Hanggang hapon ng September 16, nakalusot na sa plenaryo ang panukalang budget ng DOJ, Judiciary at Department of Finace at mga attaced agencies at corporations. | ulat ni Kathleen Forbes