Mahigit 4,800 indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng habagat at bagyong Enteng ang nakatanggap ng tulong mula sa Philippine Red Cross (PRC).
Kabilang sa mga ibinigay na tulong ay ang mga health promotion at awareness sessions tungkol sa mga sakit na karaniwan tuwing tag-ulan gaya ng dengue at leptospirosis, pamamahagi ng mga gamot, bitamina, at hygiene kits, at mga aktibidad na nagsusulong ng kalinisan.
Ayon sa PRC, prayoridad nila ang kalusugan ng mga apektadong komunidad.
Bukod dito nag-deploy din ang PRC ng food trucks at namahagi ng mainit na pagkain sa mga evacuation center sa Metro Manila at Regions I, III, IV-A, at VIII.
At nakapagbigay din ng psychological first aid sa mga nangangailangan ng psychosocial support. | ulat ni Diane Lear
📸: PRC