Mahigit 500 katao, stranded pa rin sa iba’t ibang pantalan dahil sa sama ng panahon 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pa rin pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na magkapaglayag ang ilang sasakyang pandagat sa iba’t ibang probinsya dahil sa masamang lagay ng panahon. 

Sa ulat ng PCG, aabot sa 548 na mga pasahero, truck drivers, at helpers ang nananatili sa iba’t ibang pantalan. 

Sa Eastern Visayas, suspendido ang mga biyahe sa:

– Kawayan Port, Kawayan Biliran
– Port of Padre Burgos

Habang stranded ang: 

– 490 katao/ drivers / helpers
– 245 rolling cargoes
– 1 vessel
– 5 motorbancas
– 2 motorbancas

Sa Southern Tagalog naman, wala ring biyahe sa:

– Bulalacao Port

– Roxas Port na pawang nasa Oriental Mindoro kung saan stranded ang:

– 38 passenger / drivers / helpers
– 189 rolling cargoes
– 3 vessels
– 8 motorbancas

Sa Bicol Region, wala ring biyahe sa Bulan Port sa Sorsogon kung saan stranded ang 20 passenger / drivers / helpers.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us