Mahigit 500 pamilya na apektado ng sunog sa Bacoor City sa Cavite, nahatiran ng tulong ng Red Cross

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 509 pamilya o katumbas ng 2,545 na indibiduwal ang naabutan ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC).

Sila ang mga nasunugan sa Sitio Kanluran, Brgy. Zapote III sa Bacoor City sa Cavite kamakalawa kung saan, daan-daang kabahayan ang naabo.

Buhat sa nabanggit na bilang, 494 na pamilya o 2,470 na indibiduwal ang kasalukuyang nanunuluyan pa rin sa 16 na evacuation centers sa lungsod.

Kabilang sa mga tulong na ibinigay ng Red Cross ay dalawang food truck, isang water tanker, dalawang water bladders, dalawang top stand, tatlong ambulansya, at isang mobile clinic na nakapuwesto sa mga evacuation center.

Bukod pa ito sa ipinamahaging hot meals ng PRC 143 volunteers sa may 800 evacuees sa mismong gabi matapos maapula ang naturang sunog.

Maliban sa hot meals, patuloy din ang pagpagpapaabot ng Red Cross ng vitamins sa mga evacuee gayundin ang pagsasagawa ng health education sessions at health consultations sa mga ito. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us