Hindi pa rin nakakabyahe ang 801 na mga pasahero na stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa hanggang kaninang alas-4 ng umaga dahil sa bagyong Enteng.
Sa Western Visayas, hindi pa rin pinapayagan ang mga sasakyang pandagat na nasa:
- Port of San Carlos at
- Bredco Port
Kung saan stranded ang 389 pasahero/drivers/helpers; 2 vessels; at 9 na rolling cargoes.
Samantala, sa Bicol Region, wala pa ring byahe sa:
•Tabaco Port at
- Pasacao Port
Kung saan stranded ang 362 pasahero/drivers/helpers at 34 rolling cargoes.
Sa Southern Tagalog, wala pa ring operasyon ang
- Port of San Andres
- Real Port
- Polillo Port
- Looc Port
- Calapan Port
- Tinuigan Port
- Romblon Port
- San Agustin Port
- Banton Port
- Tingloy Port
- Anilao Port
- Shoreline of Balayan
- Balanacan Port, at
- Buyabod Port
Dahil dito, stranded ang 50 passengers/drivers/helpers; 3 vessels; 14 rolling cargoes; at 5 motorbancas; habang pansamantalang sumilong ang 34 motorbancas, at 21 vessels.
Sa Northwestern Luzon, walang byahe ang mga sasakyang pandagat sa: Sual Port kung saan dalawang vessels ang pansamantalang nakituloy. | ulat ni Mike Rogas