Mahigpit na seguridad sa filing ng COC, tiniyak ng PNP; Mga pulis, pinaalalahanang manatiling ‘politically neutral’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasado na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) bukas, October 1.

Sa katunayan, sinabi ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil na nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan hinggil dito.

Kaugnay nito, mahigpit ang tagubilin ni Marbil sa mga tauhan nito na tutukan ang seguridad ng publiko at panatilihin ang integridad ng halalan.

Binilinan din niya ang mga pulis na huwag magpabulag sa impluwensya ng politika at manatiling “neutral” o walang kinikilingan.

Nabatid ayon sa Commission on Elections (COMELEC) na hanggang October 8 tatagal ang filing ng COC para sa 2025 Mid-Term Elections mula sa national hanggang local level. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us