Nakaantabay na ang mga Libreng Sakay ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon para umalalay sa mga posibleng maapektuhan ng patuloy na tigil-pasada ng ilang transport group bilang pagtutol sa Jeepney Modernization.
Kasunod ito ng anunsyo ng grupong MANIBELA at PISTON na tigil-pasada simula ngayong araw, September 23 hanggang September 24.
Ayon sa Malabon bilang tugon sa tigil-pasada ay muli itong magde-deploy ng mga rescue vehicle para magbigay ng libreng sakay.
Kung sakaling stranded o walang masakyan, hinikayat ang mga itong tumawag sa Malabon Central Command and Communications Center sa
0942-372-9891 / 0919-062-5588 / 8921-6009 / 8921-6029 o magpadala ng mensage sa TXT MJS 0917-689-8657/ 225687. | ulat ni Merry Ann Bastasa