Binahagi ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Alejandro Tengco na bumubuo na ang Malacañang ng Executive Order na maglilinaw sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa pagbabawal ng operasyon ng mga POGO sa Pilipinas.
Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Tengco na posibleng ngayong buwan ibaba ng Malacañang ang naturang kautusan na maglalaman ng guidelines sa pagpapatupad ng POGO ban.
Ito aniya ang magtitiyak na na magiging maayos at plantsado ang unti-unting pagpapatigil ng POGO operations sa bansa na tinaningan ng Pangulo hanggang katapusan ng taon o hanggang December 31 na lang.
Una na kasing pinunto ni Senador Sherwin Gatchalian na marami pang dapat tingnan sa pagpapasara ng mga POGO gaya ng employment ng mga kababayan nating nasa POGO industry, immigration issues ng mga dayuhang POGO workers hanngang sa epekto sa real property prices kapag lumayas na ang mga POGO.
Tiniyak naman ni Tengco na nagkaroon na ng pagpupulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tungkol sa utos na POGO ban ni Pangulong Marcos.| ulat ni Nimfa Asuncion