Higit apat na libo pang evacuees ang hindi pa pinapayagang makauwi sa kanilang mga bahay sa Quezon City.
Sa abiso ng LGU, may 1,081 pamilya o 4,162 katao ang nanatili pa sa mga evacuation center sa iba’t ibang lugar sa lungsod.
May 13 pang evacuation center ang bukas mula sa 29 na unang binuksan ng LGU.
Ang mga evacuee ay mga naninirahan sa mga flood prone areas ng 19 na barangay .
Noong kasagsagan ng Bagyong #EntengPH at Habagat, umabot sa higit limang libong indibidwal ang inilikas.| ulat ni Rey Ferrer