Personal na lumiham si KABAYAN Partylist Rep. Ron P. Salo sa Philhealth upang hilingin na magtalaga ng mga tauhan sa iba’t ibang embahada ng Pilipinas.
Ito ay para mabilis na maka-access ang mga OFW sa kanilang serbisyo.
Ani Salo, sa mga naging konsultasyon sa mga OFW sa middle east at ilan pang bansa, hinaing ng mga migrant workers ang mabilis na pangongolekta ng fees, pero mahirap naman makakuha ng benepisyo.
“Our OFWs, who contribute significantly to the country’s economy through remittances, deserve more accessible health services, including immediate processing of claims. We have agencies like the DFA, DMW, OWWA, Pag-IBIG, and SSS present in our embassies and consulates, but sadly, PhilHealth is missing.” Saad ni Salo.
Paritkular na hiniling ng mambabatas na magtalaga ng attache o mga personnel sa mga bansa kung saan may maraming OFW tulad sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Oman, Hong Kong, South Korea, Japan, Singapore, at Italy.
Hinikayat din ni Salo ang Philhealth na makipag-ugnayan sa local health facilities abroad para mas mabilis makakuha ng kinakailangang healthcare service ang ating migrant workers. | ulat ni Kathleen Forbes