Hindi umobra ang dulas ng 3 Chinese nationals sa mga tauhan ng Bureau of Immigration matapos maharang ang nga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado, ini-report sa kanila ang tatlong suspek matapos makatanggap ng sumbong na ninakaw ng mga ito ang isang luggage mula Kuala Lumpur.
Kinilala ang mga suspects na sina Lyu Shuiming, 48; Xu Xianpu, 41; and Xie Xiaoyong, 54.
Dagdag pa ni Viado nahuli sa akto ang tatlo ng isang flight attendant matapos umanong nakawin ang isang habdbag na nagkakahalaga ng P63,000.
Nakita umano ng attendant na hinahalukay ng mga suspek ang bag at kinukuha ang lahat ng mahahalagang gamit sa loob.
Inirekomemda na ng BI ang tatlo na mapasama sa kanilang blacklist habang tiniyak naman ni Viado na patuloy silang makikipagtulungan sa mga airlines at airport security para ma-monitor ang mga foreigner na posibleng miyembro ng nasabing grupo.| ulat ni Lorenz Tanjoco