Manila Water, pinag-iingat ang mga customer sa mga nagnanakaw at nagmamanipula ng metro ng tubig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ngayon ng East Zone concessionaire na Manila Water ang kanilang mga customer na mag-ingat sa mga nangingialam o nagnanakaw ng metro ng tubig.

Kasunod ito ng mga reklamong natanggap ng Manila Water kaugnay ng mga kaso ng pagnanakaw at pagmanipula ng mga metro ng tubig.

Ayon kay Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs Group Director, nagsampa na sila ng mga kasong kriminal laban sa mga nahuling suspek sa Quezon City at Makati City.

Muli naman nitong iginiit na sa ilalim ng Section 8 ng RA 8041 o ang National Water Crisis Act, mahaharap sa parusa ang sinumang nagnanakaw ng metro ng tubig.

Iligal din ang pag-install at paggamit ng mga tampered water mater, pagbaligtad ng metro ng tubig, at iba pang mga paraan kung saan ninanakaw o nasasayang ang tubig.

Ang sinumang mahuhuli at ang kanilang mga kasabwat ay maaaring makulong mula anim na buwan hanggang dalawang taon.

Kaugnay nito, hinikayat ng Manila Water ang kanilang mga customer na makararanas ng ganitong insidente na agad i-report sa kanilang mga barangay council o nakatalagang Manila Water Senior Territory Manager, o tumawag sa Manila Water Customer Service Hotline 1627

Pinayuhan din nito ang mga costumer na maglagay ng grill o safety vault sa paligid ng kanilang mga metro ng tubig at mag-ingat din sa mga taong nagpapakilala bilang mga empleyado ng kumpanya at gumagalaw sa mga metro ng tubig.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us