Kasabay ng katuwaan sa resulta ng lumabas na survey sa 2nd quarter ng 2024 hinggil sa +40 net satisfaction rating ng Administration, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kanila itong itinuturing na hamon para mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho.
Sa inilabas na statement ng Chief Executive, sinabi nitong sadyang nakapagbibigay ng inspirasyon ang ganitong positibong rating.
Pagtiyak ng Pangulo, mananatili silang nakatutok para mas mapahusay pa ang mahahalagang aspeto ng paglilingkod at matupad ang pangako sa mamamayan.
Nakatuon aniya sila sa paghahatid ng tunay at epektibong serbisyo para mapabuti ang buhay ng ating mga kababayan, magpapalakas sa Bansa at magbibigay seguridad sa ating kinabukasan.
Itinuturing naman aniya nila ang nasabing resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey na tunay na gantimpala at pagkilala sa hinahangad ng pamahalaan para sa mamamayan.| ulat Alvin Baltazar