Pinatututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lokal na pamahalaan ang mga basura o debris na iiwan ng mga pag-ulan at pagbaha sa bansa, bunsod ng bagyong Enteng.
Ayon sa pangulo, magiging katuwang ng mga LGU ang DPWH na nasa mga komunidad, upang simulan na ang clearing operations sa national road.
“Tinatawagan ko ang ating mga LGU na agad na tugunan ang waste management issue na maiiwan ng bagyo. Ang ating mga katuwang sa DPWH ay nasa ating mga komunidad para umpisahan na ang clearing operations ng mga apektadong national roads.” —Pangulong Marcos.
Higit 1, 700 na kagamitan na aniya ang naka-preposition sa mga rehiyon, upang siguruhing madadaanan ang mga kalsada.
“Binabalik na rin ang kuryente, at available din ang emergency communications equipment at higit 2,000 search, rescue, and retrieval assets kung kakailanganin.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, tuloy – tuloy ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng Bagyong Enteng.
“Nakapaghatid na tayo ng 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗣𝗵𝗣𝟭𝟲 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗦𝗪𝗗 para masuportahan ang mga pinakanangangailangan. 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗵𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗣𝟲𝟱.𝟱𝟲 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗯𝘆 𝗳𝘂𝗻𝗱𝘀, 𝗮𝘁 𝗣𝗵𝗣𝟮.𝟲𝟬 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗼𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗻𝗼𝗻-𝗳𝗼𝗼𝗱 𝗶𝘁𝗲𝗺𝘀.” —Pangulong Marcos.
At kahit inaasahan na aniya ang paglabas ng bagyo, bukas (September 4) sa Philippine Area of Responsibility, hindi pa rin aniya titigil ang pamahalaan sa pagta-trabaho.
“Tuloy-tuloy parin ang ating rescue teams sa pagtulong, at nagagalak tayong ibahagi na 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝟲𝟯,𝟬𝟬𝟬 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗶𝗹𝗶𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝟰𝟱𝟮 𝗲𝘃𝗮𝗰𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗰𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿𝘀. Mayroon tayong 𝗣𝗵𝗣𝟰𝟴𝟬.𝟲𝟭 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗹𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀 sa ating mga rehiyon para sa agarang serbisyong pangkalusugan para sa lahat.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan