Marikina LGU, puspusan ang isinasagawang drainage declogging ops matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang isinasagawang paglilinis at pag-aalis ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga bara sa daluyan ng tubig matapos ang pananalasa ng habagat at bagyong Enteng.

Gamit ang manual rodding equipment at vacuum trucks, sinuyod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang mga kalsada at drainage upang matiyak na walang anumang bara na maaaring maging sanhi ng pagbaha.

Matapos ang malakas na pag-ulan na dala ng habagat at bagyo, agad na kumilos ang pamahalaang lungsod upang isagawa ang declogging operations at alisin ang mga basura at debris na naipon sa mga daluyan ng tubig.

Ayon sa Marikina LGU, ang regular na pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay isa sa mga pangunahing hakbang ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang mga pagbaha sa kanilang lungsod. | ulat ni Diane Lear

📸: Marikina PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us