Magandang balita para sa mga nagpaplanong bumiyahe sa darating na Oktubre!
Inaasahan ang mas murang pamasahe sa eroplano dahil sa pagbaba ng fuel surcharge.
Sa inilabas na advisory ng Civil Aeronautics Board (CAB), bababa ang fuel surcharge sa Level 4 simula sa Oktubre mula sa Level 5 ngayong Setyembre.
Sa ilalim ng Level 4, ang fuel surcharge para sa mga domestic flight ay nasa pagitan ng P117 hanggang P342, habang ang international flights naman ay may surcharge na P385.70 hanggang P2,867.82.
Ayon pa sa CAB, bumaba kasi ang oil prices sa global market na naging dahilan para mapababa ang fuel imports sa kasalukyan. | ulat ni Diane Lear