Sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na ang mabagal na inflation rate ng Agosto ay dahil sa epektibo ang ipinatutupad na targeted interventions ng Marcos Jr. administration gaya ng matatag na presyo ng pagkain.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng 3.3 percent ng August inflation — pinakamababa simula Enero ng 2024.
Ayon kay Recto, tinitiyak din nito sa publiko na kayang isustine ang downward momentum sa pagiging mapagbantay sa mga hamon na kakaharapin.
Diin ng Finance chief, hindi niya hahayaan na masayang ang pinaghirapan nating paglago bagkus gagalingan upang masigurong magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin na siyang makatutulong sa mamamayan, negosyo, at buong ekonomiya.
Aniya, ang pagtapyas ng taripa sa imported na bigas ay nagpapakita na ng resulta, dahil bumabagal ang rice importation.
Ang patuloy na pagbaba ng inflation ay magpapalakas ng household consumption hanggang matapos ang taon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes