Inihayag ni Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanez na ang maihahandog niyang regalo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang kaarawan ngayon araw ay ang mas pinahusay na pagseserbisyo sa mga senior citizen.
Sa kasabay ng kanyang pagbati sa pangulo ang panalangin ng malusog na pangangatawan at maulad na bansa sa hinarap.
Ayon kay Ordanez, sa ilalim ng Marcos Jr. administration ay naging masigla ang pagseserbisyo sa ating mga seniors kumpara sa mga nagdaang tao, dahil sa mga direktiba ng punong ehekutibo na paghusayin ang social welfare at Philhealth services.
Samantala sinabi naman ni Committee on Civil Service and Professional regulations Chair at Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor na maraming dapat dapat ipagpasalamat ang mga professionals at kawani ng gobyerno.
Kabilang na dito ang Salary Standardization 6, mas pinaghusay na Philhealth services at ang extension ng hanggang Disyembre 2024 ng kontrata ng mga contractual workers sa government offices. | ulat ni Melany Reyes