Mass Grave sa Porac, Pampanga, iimbestigahan ng DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi ipagsasawalang bahala ng pamahalaan ang naging pahayag ng dalawang Chinese nationals na ginawang mass grave ang ilang bahagi ng POGO Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, seryoso ang usaping ito na dapat ay seryosohin ng gobyerno.

Ani Remulla, inatasan na niya, ang National Bureau of Investigation (NBI) na agad magsagawa ng imbestigasyon tungkol dito.

Una nang ibinunyag ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na mayroong mga dating POGO workers ang nagbigay sa kanila ng impormasyon na umanoy sa loob ng Porac POGO Hub, inililibing ang mga Chinese nationals na hindi nakakabayad ng kanilang mga utang.

Matapos daw gawin ang torture sa mga ito, doon na inililibing upang hindi na makita pa ng mga awtoridad. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us