Naglalayag na pabalik sa homeport ang BRP Teresa Magbanua, matapos ang matagumpay na misyon sa karagatan, partikular sa Escoda Shoal, nang higit limang buwan.
“After more than five months at sea, where she carried out her sentinel duties against overwhelming odds, BRP Teresa Magbanua is now sailing back to her homeport with her mission accomplished.” —ES Bersamin.
Ayon kay National Maritime Council (NMC) Chair Executive Secretary Lucas Bersamin, humarap sa iba’t ibang hamon ang BRP Teresa Magbanua, habang ginagawa nito ang misyon.
Kabilang na ang pag-challenge sa malaking bilang ng mga barkong pumalibot sa Philippine vessel. Habang nariyan rin ang pagharap sa hamon dala ng sama ng panahon.
“During her deployment at Escoda Shoal, she challenged an encirclement by a larger flotilla of intruders, battled inclement weather, with her crew surviving on diminished daily provisions.” —ES Bersamin.
Sabi ng kalihim, naisakatuparan ang misyon na ito dahil sa determinasyon at dedikasyon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi tumalikod sa sinumpaan nilang tungkulin.
“What made this possible is the determination and dedication of the men and women on board, who crewed her in the finest tradition of our Philippine Coast Guard sailors, and in honor of the heroine for whom she was named.” —ES Bersamin.
Ayon sa kalihim, sa pagbabalik sa homeport ng BRP Magbanua, matutugunan nito ang pangangailangan medikal ng ilang PCG crew, habang mabibigyang pagkakataon rin ang mga ito na nakita ang kanilang mga mahal sa buhay.
“This repositioning will allow the Magbanua to address the medical needs of some of her crew, undergo needed repairs, and allow her crew to enjoy a well-deserved furlough and reunion with their loved ones. After she has been resupplied and repaired, and her crew recharged, she will be in tiptop shape to resume her mission, along with other PCG and AFP assets, as defenders of our sovereignty.” —ES Bersamin.| ulat ni Rey Ferrer