Medical assessment kay Quiboloy, natapos na ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na natapos na ng PNP ang medical assessment at evaluation kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Fajardo, isinagawa ito ng mga doktor mula sa PNP General Hospital noong Biyernes para isumite ang resulta sa korte.

Matatandaang ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 sa PNP na ipasuri sa mga doktor ng pamahalaan ang medikal na kondisyon ni Quiboloy.

Ito’y kaugnay ng kahilingan ng kampo ni Quiboloy na ipa-hospital arrest na lang sa Davao ang kontrobersyal na Pastor dahil sa kanyang mga karamdaman.

Sinabi naman ni Fajardo na hindi nila maaring ilabas ang resulta ng eksaminasyon dahil sa confidentiality. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us