Abiso sa first time job seekers at iba pang naghahanap ng trabaho, dahil isang malawakang job fair ang ioorganisa ng Valenzuela LGU.
Sa abiso ng Valenzuela government, isasagawa ang Local and Overseas Mega Job Fair ngayong Miyerkules, September 25 mula 8:00AM hanggang 3:00PM, sa Event Center, SM Center Valenzuela.
Ito ay pangungunahan ng Valenzuela Public Employment Service Office katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE-NCR).
Kabilang sa maaaring aplayang trabaho dito ang customer assistant, sales executive, admin assistant, accounting staff, company driver, at iba pa.
May trabaho ding alok sa Hungary, Brunei, New Zealand, Taiwan, Germany, Qatar, at Singapore.
Pinapayuhan ang mga interesadong aplikante na magdala ng bio-data/resume at iba pang credentials upang makasali.
Bukod sa trabaho, mayroon ding alok na one-stop-shop ng pre-employment services sa naturang job fair kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Merry Ann Bastasa