Welcome kina Pinuno Partylist Rep. Howard Guinto at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang inilabas na memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagpapaala sa mga barangay official na huwag ipagkait ang paggamit ng barangay facilities para sa government programs and activities.
Sinabi ni Rep. Guinto, isa itong welcome development mula sa DILG dahil sa quick-response sa isyu na tinalakay sa budget deliberation ng kagawaran.
Pinasalamatan din nito si Sec. Benhur Abalos sa maagap na pag-aksyon sa kanilang hiling na iwasan ang “politicking at partisanship” sa access ng government facilities.
Nagpaalala naman si Rep. Nograles sa mga barangay official na tiyakin na naipagkakaloob ang “basic services” gaya ng certificate of residency, indigency at no pending complain sa kanilang mga ka-barangay.
Diin nito, kailangan sumunod ang lahat ng barangay sa bansa sa inisyung memorandum ng DILG.| ulat ni Melany V. Reyes