Ilalabas ng Department of Migrants Workers (DMW) ngayong Setyembre ang isang Memorandum of Agreement mula sa Executive Branch laban sa ‘ambulance chasing.’
Sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac, maliban ang kanilang 101% na suporta sa panukalang Magna Carta for Filipino Seafarers ilalabas ang MOA upang tugunan ang isyu ng ‘ambulance chasing.’
Ang ‘ambulance chasing’ ay unethical practice na pag-solicit ng kliyente sa mga marino na maghain ng labis na kabayaran sa kanilang dating employer para umano sa pinsala o sakit sa panahon ng trabaho para makakuha ang mga ito ng “cut.”
Kabilang sa mga ahensya na bubuo ng taskforce sa ilalim ng MOA ay ang DMW, OWWA, DOLE, NLRC at Natonal Conciliation board upang labanan at mapanagot ang mga ‘ambulant chasers.’
Samantala, ipinagmalaki naman ni Cacdac sa harap ng House Appropriations Committee na nanatiling world’s leading supplier pa rin ang Piliinas ng mga seafarers globally.
Noong 2023 lamang anya ay nasa 35% o katumbas ng 578,000 ang idineploy worldwide at may malaking ambag bilang source of US dollar remittance ng bansa.| ulat ni Melany V. Reyes