Makakaranas pa ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at kalapit lalawigan ng Pampanga, Laguna, Quezon at Batangas ngayong hapon.
Sa inilabas na Thunderstorm Advisory ng PAGASA, ang mga pag-ulan ay may kasamang pagkidlat at malakas na hangin.
Kasabay nito ang mga pag-ulan na mararanasan sa Santa Cruz, Candelaria, Masinloc sa Zambales, Dinalupihan, Balanga, Abucay, Samal, Orani, Hermosa, Morong, Bagac sa Bataan, Dona Remedios Trinidad sa Bulacan, Moncada, Anao at San Manuel sa Tarlac, Nampicuan, Cuyapo, Talugtug sa Nueva Ecija, Silang, Amadeo, Dasmarinas, General Trias sa Cavite at Pililla, Jala-Jala, Tanay, Cardona, Binangonan sa Rizal.
Ayon sa PAGASA, maaaring tumagal ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras at maaaring makaapekto sa mga kalapit na lugar.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat sa epekto ng mga pag-ulan partikular ang pagbaha at pagguho ng lupa. | ulat ni Rey Ferrer