Metro Manila Drainage Master Plan, tinalakay sa pulong ng MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang iba’t ibang sangay ng gobyerno, lokal na pamahalaan ng Metro Manila, academe, at pribadong sektor upang talakayin ang Metro Manila Drainage Master Plan.

Sa isang consultation meeting na inorganisa ng MMDA, muling napag-usapan ang mga plano upang mapabuti ang kasalukuyang imprastraktura ng drainage at masolusyonan ang mga problema sa baha sa Kalakhang Maynila.

Sa naturang pulong, ipinakita ng MMDA, kasama ang Department of Public Works and Highways, ang kasalukuyang proyekto, programa, at direksyon ng master plan na magsisilbing gabay ng pamahalaan at Metro Manila LGUs sa pagpapalawak at pagpapataas ng kapasidad ng drainage system.

Kabilang sa mga mungkahi at rekomendasyon na nakalap ng MMDA ay ang pagsasaalang-alang sa master plan ng lahat ng historical at future scenarios, land use, urbanization, climate change; pagpapabuti sa flood monitoring at early warning notification devices, paggamit ng makabagong teknolohiya; pagkakaroon ng inventory at database ng lahat ng drainage, at iba pa. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng koordinasyon, alignment, inter-connectivity, at synchornization ng mga proyekto at programa para sa Metro Manila. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us