Metro Manila, nasa ilalim ng Orange Rainfall Warning

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila sa mga susunod na oras.

Kasunod ito ng inilabas na Heavy Rainfall Warning ng PAGASA kung saan isinailalim sa Orange Warning Level ang Metro Manila, Zambales, at Bataan.

Sa ilalim nito, matindi ang pag-ulan sa loob ng isang oras at susunod pang dalawang oras.

Samantala, nasa Yellow Warning naman ang Tarlac, Cavite, Rizal, Bulacan, at Pampanga.

Sa ngayon, nakakaapekto na rin ang pag-ulan sa Quezon, Batangas, Laguna, at Nueva Ecija na maaaring tumagal ng tatlong oras. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us