Mga abogado ni Quiboloy, posibleng makasuhan ng Obstruction of Justice

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng maharap sa kasong Obstruction of Justice ang mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang statement kahapon, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi makapagtatago si Quiboloy sa loob ng mahabang panahon nang walang tulong sa mga malalapit na kasamahan, kabilang ang kanyang mga abogado na sadyang niligaw ang mga awtoridad sa lokasyon ng Pastor.

Ayon kay General Marbil, naghahanda na ngayon ang PNP para kasuhan ang lahat ng nagkanlong kay Quiboloy ng “Obstruction of Justice.”

Inatasan ni Gen. Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng case build up laban sa mga indibidwal na ito.

Binigyang-diin ng PNP chief na seryosong kaso ang “Obstruction of Justice” at pananagutin ang lahat ng mapapatunayang tumulong kay Quiboloy para makaiwas sa batas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us