Inanyayahan ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang publiko na aktibong makilahok sa serye ng mga aktibidad na inihayay ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcilation and Unity (OPAPRU) bilang bahagi ng ika-20 selebrasyon ng National Peace Consciousness Month.
Pagkatapos ng pormal na pagbubukas ng Peace Month 2024 kasabay ng komemorasyon ng 1996 Final Peace Agreement sa Moro National Liberation Front (MNLF) kahapon sa Malacañan Palace, magsasagawa ng komemorasyon ng 1986 SIPAT Peace Accord sa September 13 at Mt. Data Hotel, Mountain Province.
Kasunod nito ang KaPEACEtahan Fair sa Trinoma Activity Center sa September 17 hanggang 18, na sabayang isasagawa sa iba’t ibang paaralan.
Magkakaroon din ng “Run for Peace” at “Peace Music Fest” sa September 21 sa SM MOA Seaside, Pasay City; at “Swing for Peace” sa September 28 sa Veterans Golf Club, Quezon City.
Isasagawa naman ang 3rd National Peace Education Summit sa Philippine International Convention Center, Pasay City sa September 25 hanggang 26; at wreath-laying ceremony sa Libingan ng mga Bayani at Manila Memorial Park sa September 26 para sa mga yumaong “peace-builder.”
Ang isang buwang pagdiriwang ay magtatapos sa pamamagitan ng
Gawad Kapayapaan Awarding Ceremony 2024 sa September 30 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City. | ulat ni Leo Sarne
📸: OPAPRU